Wednesday, August 6, 2008

The Poet in ME

While I was deleting old files today I found these poems I made 5 years back for my class in Filipino...

Astig Ka Nga!

Pinagtagpi-tagping pira-pirasong pangarap
Unti-unting binubuo sa paghahangad na buhay magbago
Nopi!Astig ka nga! Saludo ako sa diskarte mo
Aral sa araw, sa gabi kayod kabayo

Sulit nga ba ang pinaghihirapan mo?
Solb ka nga ba sa mga natutunan mo?
Dolyar na edukasyon-komersyalisado
At sa pagtatapos mo, napakailap ng trabaho

Sa elementarya at hayskul,walang libro at silya
Sa kolehiyo namn, marka ay ibinebenta
Kalidad ng edukasyon sa Pinas pababa ng pababa
Sa Ingles at Matematika ngayon tayo’s kulelat na

Di ba’t onli in da Pilipins lang ‘to,
DH sa Hongkong ang iyong guro
Mga doktor d nakontento, pagnanars and binubuno
Noypi astig ka nga! Gloria tama na sa pamumulitika!




Mata ng Lansangan

Kitikitext tabi tabi lang po
Iyong ispelling naglaho na ang a, e, i, o, u
Sige pindot ng pindot ‘wag kang susuko
Hinlalaki mo naninilaw na sa kalyo

Ale!Ale saan kayo patutungo?
Tubetop, miniskirt, napaka-seksi naman ninyo
Siguro kayo’y magchachat to sawa
Naghahanap ng Kanong mapapangasawa

Sex video ng mga artista usong-uso,
Kanta sa radyo, dobol meaning, napakapilyo
Gloria Labandera dulot sakit ng ulo
Piso sa dolyar naghihingalo

Lahat ng tao nursing o caregiving ang kurso
Inang Bayan napabayaan na nag husto
Pilipinas,game ka na ba?
Gsing at mamulat sa bagong umaga!



No comments:

Post a Comment

Speak your mind!!!